Savvy Finance Master: 5 REASONS WHY YOU SHOULD START IPON/SAVING CHALLENGE
To save up for your emergency fund
Kailangan natin magkaroon ng “emergency fund” para sa panahong hindi inaasahan katulad na lamang ng kalamidad na bagyo o lindol. Hindi natin maiiwasan ang mga ganitong pangyayari. Kaya maaari tayong magtabi ng 3-6 months worth of expenses. Kung kaya mo naman mag-ipon ng malaking amount o di kaya hindi gaano kalaki ang expenses mo ay mas makabubuti ito.
To be able to invest, build a business and grow your money
Syempre, bago tayo makapag-invest o magtayo ng isang business, kinakailangan nating makapag-ipon ng sapat para sa ating investment or negosyo. Kung mas gusto mong mapalago pa ang iyong pera or ipon, mag-invest ka for long term period or di kaya short-term period. Marami kang choices katulad na lamang ng stocks, mutual funds, mp2 savings, at ang trending ngayon ang crypto. Pero bago mo ito subukan make sure na mayroong kang knowledge about dito. Huwag tayo basta susugal lamang sa pag-iinvest kung ayaw natin magsisi sa huli.
Kung ikaw naman ay mahilig sa business, maaari ka na makapag-umpisa sa maliit na halaga. Halimbawa, ang pag-online selling ng mga thrift clothes, school supplies, gadgets and appliances.
Katulad na lamang ng ukay-ukay business, nagsimula ako at ang aking kapatid sa maliit na capital. Nag-lalive selling kami sa Facebook at tiktok. Sa maliit na capital na iyon ay napalaki namin ito. Kung hilig mo ito at alam mong kaya mo, maaari ka na magplano at magsimula!
To be able to afford the lifestyle you desire
Alam naman natin na lahat tayo ay may plano’t pangarap sa buhay. Hinihiling natin na makamit lahat ng mga ito katulad na lamang na makabili ng magarang sasakyan, makapagpatayo ng sariling bahay, makapunta sa iba’t ibang bansa at magkaroon ng mga bagay na hindi mo makuha noong bata ka pa. Yes! Money can actually buy happiness! Lahat ng mga ito ay may katumbas na halaga.
To have a peace of mind and good life
Kung ikaw ay may ipon/savings, mayroon kang “peace of mind and good life.” Mababawasan ang pagkastress at pag-aalala sa mga bagay. Dahil may ipon ka, hindi ka mag-iisip kung saan mo kukunin ang panggastos mo sa mga bagay na nakalista sa iyong plano. Halimbawa, may gala kayo out of town ng mga family mo. At dahil may nakalaan ka na for travel fund ay hindi ka na mag-aalala para dito.
Become financially independent and have freedom
Maraming kabataan sa bagong henerasyon ngayon ang gustong makamit ang “financial freedom” sa maagang edad. Nagseset sila kung hanggang anong edad lamang sila magtatrabaho sa corporate world at pagtutuunan na lamang ang panahon sa business at mga bagay na makakatulong sa future nila. Hindi naman habambuhay ay malakas tayo para makapagtrabaho at mapunan ang mga pangangailangan sa pang-araw-araw. Kaya ngayon pa lamang ay simulan mo na magplano at mag-ipon para sa iyong future life.
Ikaw, oo ikaw! Ano ang mga reason mo bakit ka nag-iipon?
Comments
Post a Comment