Savvy Finance Master: REASONS WHY YOU SHOULD HAVE AN EMERGENCY FUND









Essentially, an emergency fund is money put aside to cover life's unforeseen situations or events. Ang fund na ito ang magsasalba sa iyo hindi dahil sa luho mo kundi dahil sa mga essential needs or mahahalagang bagay. Halimbawa, nawalan ka ng trabaho dahil kailangan magbawas ng empleyado sa pinapasukan mong kumpanya. Dahil hindi mo naman ito mapipigilan, kailangan mong mag-isip ng paraan kung paano mo matutustusan ang mga pangangailangan mo sa pang-araw-araw. Nadiskubre mo ang kahalagahan ng “Emergency fund” bago pa mangyari ang unforeseen event. Nakapag-ipon ka ng pera na maaari mong magamit sa pangangailangan mo 3 to 6 months. Kaya habang naghahanap ka ng panibagong trabaho hindi ka masyadong mangangamba dahil may back-up fund ka.






REASONS WHY YOU SHOULD HAVE AN EMERGENCY FUND:




Job Loss

Katulad na lamang ng halimbawa sa itaas, hindi natin maiiwasan o mapepredict kung kailan tayo mawawalan ng trabaho. At dahil may “emergency fund” ka, hindi ka mangangamba sa mga pangangailangan mo sa pang-araw-araw katulad ng pagkain at pati na rin sa mga pambayad mo sa bills (kuryente, tubig, internet) dahil sakop ito ng emergency fund mo. Mas okay kung 3 to 6 months worth of expense ang ipunin mo for your emergency fund.







Unexpected Medical Bills

Bata ka pa naman at healthy. What can go wrong? Hmm, marami. Unexpected accident, and illnesses. Mas maigi di ba kung mayroon tayong nakalaan na emergency fund para dito para habang tayo ay nagpapagaling ay hindi tayo mastress kung saan tayo maghahanap para sa pambayad sa medical bills.






Auto Repairs

Isama na rin natin ang auto repairs sa emergency fund lalo na kung ikaw ay may sasakyan. Kahit insured pa yang sasakyan mo, maaaring may gastusin ka pa rin katulad na lamang ng pagpapalit ng brakes or other parts ng sasakyan mo.






                                                                Home Repairs

Kailangan din natin isama sa mga reason ang home repairs for your emergency fund. Halimbawa, nagkaroon ng matinding bagyo at sobrang taas ng baha at naapektuhan ang inyong bahay. Kailangan irepair ang mga parte ng bahay na nadamage. Kung ito ba ay nahulugan ng puno or anumang bagay. Mas mabuti na tayo ay handa lalo na sa panahong may kalamidad.




Sa panahon ngayon kailangan natin maging mulat at magkaroon ng financial literacy. Malaki ang maitutulong nito sa ating buhay upang maging handa, alerto at makamit natin ang financial freedom!

Tips: Mag-ipon ng emergency fund sa madaling ma-access na bank na may malaking interest katulad ng mga digital bank at mas maganda rin kung may cash on-hand ka. Huwag ilagay sa isang basket lahat!




















Comments